Page 1 of 3

Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Mon Mar 06, 2006 12:22 pm
by Jdam
  Regarding sa mascot dito natin simulan na pagusapan. Gaya ng sabi ko
sa thread ng "cap" kung ang PHP may elephant sa PHPclasses ang Mysql may
Dolphin syempre Linux andun si Tux. Suggestion mula kay @Guilliam eh haribon
para sa kumunidad ng Joomla! Filipino ngayon dumating tayo sa point na kailangan
mapaliwanag ng malalim ang nasabing idea. Kalayaan sa pamamahayag ilabas natin
ang ating nararamdaman halina simulan ang thread na ito!  :)


-Jd

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Mon Mar 06, 2006 12:30 pm
by guilliam
its a very good move to have a thread like this so we can brainstorm from here.

then that could be the NEXT prroject after the logo, site layout, dev.

keep those ideas coming!

iba talga pinoy! :)

- g

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Mon Mar 06, 2006 2:16 pm
by wyzemoro
i like the idea of haribon.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 1:43 am
by ericb
mas maganda ang pino-portray ng haribon kesa sa tarsier JD. :)

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 2:49 am
by itdude
I agree  :)  if we really need a mascot, haribon is a nice idea!

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 9:54 am
by guilliam
itdude wrote: I agree  :)  if we really need a mascot, haribon is a nice idea!
gawa ka ulit ha? :D

- g

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 10:51 am
by itdude
sure!  :D :D :D

- c

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 2:46 pm
by raeldc
pwedeng si kuya gulliam nalang?  8) joke lang po.

sige agree din ako sa haribon!

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 3:51 pm
by guilliam
OT:
raeldc wrote: pwedeng si kuya gulliam nalang?  8) joke lang po.

sige agree din ako sa haribon!
loko.. nyhahahhha..

pero seriously.. i think everyone is amenable with haribon. :)

- g

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 7:24 pm
by jlilio
guys, do you mean the Philippine Eagle? if we say haribon, what came to my mind right away 'haribon' the foundation.  ???

if this is the Philippine Eagle alright, maybe we can suggest a name for the mascot?... according to raeldc si guillam na lang mascot natin, baka pwede kahit pangalan na lang... maganda kasi tunog.  ;D

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Tue Mar 07, 2006 11:41 pm
by wyzemoro
Haring Ibon! -bka ma sue tayo ng haribon using their name foundation. hehe.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Wed Mar 08, 2006 4:59 am
by guilliam
jlilio wrote: guys, do you mean the Philippine Eagle? if we say haribon, what came to my mind right away 'haribon' the foundation.  ???

if this is the Philippine Eagle alright, maybe we can suggest a name for the mascot?... according to raeldc si guillam na lang mascot natin, baka pwede kahit pangalan na lang... maganda kasi tunog.  ;D
lolz... nyahhahah.. parang hindi philippine eagle si guilliam eh.. mukha syang TARSIUS. nyahhahha.


- g

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Wed Mar 08, 2006 6:03 am
by ericb
Guilliam po ba magiging name ng Philippine Eagle Mascot natin? nice  :-*
joke lang po Bossing!  :laugh:

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Wed Mar 08, 2006 8:27 am
by guilliam
ericb wrote: Guilliam po ba magiging name ng Philippine Eagle Mascot natin? nice  :-*
joke lang po Bossing!  :laugh:

nyahhaha.. pag bobotohan pa natin and name off course. kung saka-sakaling andyan na ;)

- guilliam

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Thu Mar 09, 2006 5:14 am
by Joomlasticman
Mukhang kelangan din natin ng Muse at [spam], I nominate Guilliam to be the Muse of Joomla.ph nyahahahaha, teka anong team song????

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Thu Mar 09, 2006 5:24 am
by wyzemoro
stick with the topic. bat dumating pa tayo sa Muse. nagugulo tuloy tong forum. hahaha! lets be serious sometimes.  :laugh:

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Thu Mar 09, 2006 5:58 am
by Joomlasticman
Oo nga nagulo tuloy ang usapan nyo, sensya na po. To be honest with you all ngayon ko lang narinig ang Haribon. Ano yun?

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Thu Mar 09, 2006 8:59 am
by ericb
Combination po ata yun ng 2 word... Haring-Ibon :) It symbolizes the Philippine Eagle.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Thu Mar 09, 2006 11:10 am
by wyzemoro
ericb wrote: Combination po ata yun ng 2 word... Haring-Ibon :) It symbolizes the Philippine Eagle.
rightly said. more information about this haribon at Haribon Foundation websites.

Image
The largest eagle in the world
The name “Haribon” was coined from the words “haring ibon,” referring to the Philippine Eagle. The Philippine Eagle is the icon that signifies the importance of protecting biodiversity in the Philippine territory. Its presence is a constant reminder to the Filipinos to be continuously involved in taking care of our environment.


click here for more.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Fri Mar 10, 2006 2:02 am
by Joomlasticman
Ah agila pala, ok Pareng Jun ty ok nga ang ang Haribon

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Fri Mar 10, 2006 3:00 pm
by wyzemoro
Joomlasticman wrote: Ah agila pala, ok Pareng Jun ty ok nga ang ang Haribon
oonga .. kaya pag-isipan nyo na.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Sat Mar 11, 2006 2:53 am
by Jdam
@wyzemoro

Kapatid na wyzemoro napagalaman ko lang na maraming Haribon diyan sa inyo
kapag may time ka naman maari ka ba magawi sa part ng Mt. Apo kasi maraming
haribon doon  :) sana masama mo sa iyong mga documentary film
ang haribon namay paguugnay sa kumunidad ng Joomla, sa tingin ko
napaganda makita sa isang documentary film na nag papakita ng adhikain natin sa
FOSS. Naisip ko lang kasi ang isang tulad ng palabas na Revolution OS, hindi bat napaganda
makita tayo sa kumunidad ng joomla ay may sariling documentary film na naglalayon
na makatulong sa inang kalikasan at sa layunin ng FOSS. yun lang ang aking masasabi.
maraming salamat po.


-Jd
Lakabay Mindanao

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Sat Mar 11, 2006 6:28 am
by eadwired
Water Buffalo nalng hehe! in short kalabaw.. di dami nyan sa atin.. hehe!

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Sat Mar 11, 2006 8:57 am
by guilliam
eadwired wrote: Water Buffalo nalng hehe! in short kalabaw.. di dami nyan sa atin.. hehe!
good suggestion too :)

darn.. daming magagandang suggestion.. let see when maka pag botohan na tayo ng LOGO natin :)

- g

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Sat Mar 11, 2006 11:55 am
by raeldc
oo nga bat di ko naiisip kalabaw?!

eagle kasi parang USA eh -proud, predator, bullies helpless monkeys.

kalabaw - very pinoy: strong, durable,hardworking and humble.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Sat Mar 11, 2006 8:56 pm
by wyzemoro
maganda yang nasa esep mo @ Jdam .

cge .. pag iisipan ko yan .. sali ko sa list na mga target works ko. sa dami esep ko project ... dami na workload this summer. haha! for sure indi na boring summer ko ngayon kahit nasa harap ng PC.  at indi sa summer beach. hehe.


Jdam wrote: @wyzemoro

Kapatid na wyzemoro napagalaman ko lang na maraming Haribon diyan sa inyo
kapag may time ka naman maari ka ba magawi sa part ng Mt. Apo kasi maraming
haribon doon  :) sana masama mo sa iyong mga documentary film
ang haribon namay paguugnay sa kumunidad ng Joomla, sa tingin ko
napaganda makita sa isang documentary film na nag papakita ng adhikain natin sa
FOSS. Naisip ko lang kasi ang isang tulad ng palabas na Revolution OS, hindi bat napaganda
makita tayo sa kumunidad ng joomla ay may sariling documentary film na naglalayon
na makatulong sa inang kalikasan at sa layunin ng FOSS. yun lang ang aking masasabi.
maraming salamat po.


-Jd
Lakabay Mindanao

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Sat Mar 11, 2006 9:01 pm
by wyzemoro
me point karin @ raeldc

Philippine Eagle is the largest in world daw eh. Kya Haring Ibon . Eagle kasi FLYING HIGH! to reach the dreams. malayang nakakalipad sa himpapawid. hehe.

ang kalabaw naman... parang ok sya. hehe. ganda ng mga ideas! this is for votation also. hehe. :)
raeldc wrote: oo nga bat di ko naiisip kalabaw?!

eagle kasi parang USA eh -proud, predator, bullies helpless monkeys.

kalabaw - very pinoy: strong, durable,hardworking and humble.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Sun Mar 12, 2006 3:07 am
by eadwired
carabao signifies most of our countrymen... pagsasaka kasi ikinabubuhay.. though we are dragging ourself to modern technology admit it we are still in the situation that "old skool" applies... di naman tayo Japan di bah...

carabaos really signifies the daily work of an extraordinary filipino hero...

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Mon Mar 13, 2006 1:42 am
by joealley
Agree din ako sa carabao may Pinoy ang dating ksa sa haring ibon.

Re: Official Mascot ng Joomla!-Ph

Posted: Mon Mar 13, 2006 2:55 am
by teng
Kalabaw? May kalabaw din sa india
Agila? May agila din sa amerika
Tarsier? Endemic sa southeast asia mostly sa philippines at thaliand(tama ba?) kamukha ng koala ng australia pero mas malaki ang mata ng sa atin

Mga katangian:

Kalabaw - masipag (over used hehehe)
Agila - matayog, matikas
Tarsier - pacute (sensya na po di ko naman po nilalait ang tarsier kaya lang po ayon sa obserbasyon ko ang mga tarsier ay laging naka-"pose" pag kinukunan ng litrato, joke lang po)
Maya - maliksi, small but terrible (ewan, hehehe)
Tamaraw - macho, matikas (sensya na po di ko alam kung ginagamit din ang tamaraw sa pagsasaka, hehehe)
Musang - meron ng firefox, hehehe
Usa ng pilipinas - seksi, joke lang po
Baboy ramo - matapang, matulis hehehe
Dalagang bukid - kinukulayan lang ata yun hehehe, palagay nyo?
Paruparong bukid - sa kanta lang ata yun
Tutubing karayom - di ko makita sa liit

FYI: ang kalabaw po natin ay paubos na dahil sa mga makabagong makinarya na ipinampapalit ng mga magsasaka. Dito po sa amin higit na lumiit ang bilang ng mga kalabaw kumpara sa nakalipas na sampung taon. Dahil dito itinatag ang sentrong pangkalabaw ng pilipinas upang tumingin sa mga kondisyon at kalusugan ng mga kalabaw sa buong bansa. Gumawa po sila ng crossbreed ng kalabaw ng pilipinas at kalabaw ng india na nagdulot ng kalabaw na may natatanging kalidad.

http://www.ccp.da.gov.ph/ - down po ang site nila ng sinubukan kong buksan

Suhestiyon:

Kung sino po ang may angking galing sa pagguhit maari po lamang na iguhit ang mga isinumiting suhestion ng mga miyembro ng filipino forum ng joomla upang atin pong mapagbotohan ng maayos.

Salamat po.