Ang Tagalog na may 20 titik lang at maituturing na pang-rehiyong lengguwahe sa maraming bahagi ng Luzon ang pinagmulan ng mas maraming salita sa Filipino. Ang Filipino naman na may 28 titik ay itinuturing na pang-nasyonal na lengguwahe ayon sa ating Saligang Batas. Dahil ang Filipino ay isang buhay na lengguwahe, maraming salitang Filipino sa ngayon ang hindi pwedeng sabihing Tagalog, at marami rin namang mga Tagalog na salita ang hindi na ginagamit ng mga Filipino sa panahon ngayon.
Sa aking palagay, tama nga ang direksyon ng grupo ng mga tagasalin ng Joomla! Philippines na sa lengguwaheng Filipino muna isalin ang Joomla! at hindi sa ibang pang-rehiyon na lengguwahe sa bansa katulad ng Tagalog. Sa aking kaunting experiensya sa pagsasalin ng Moodle sa Filipino (bagama't ito ay may katagalan pa bago matapos), napagkasunduan namin ng opisyal na nagsalin ng Moodle sa lengguwaheng Tagalog ang pagbibigay ng distinksyon sa pagitan ng Filipino at Tagalog, ito ay matapos ang pagsasaliksik na pareho naming ginawa tungkol sa usapin.
Minsan meron akong nakikitang malaking impluwensya ng mga nasanay sa malalalim na Tagalog... sa lalim, ang hirap nang intindihin ng modernong Filipino... hehehe

... Sana po maging paalala sa lahat na ang maging bunga ng pinagsama-sama nating gawain ay yun namang mas madaling intindihin ng marami at hindi mala-balarilang Tagalog na galing pa siguro sa panahon ng abakada. Simpleng Filipino... tiyak mas marami ang gagamit at matutuwa. ;-)